Kung kailangan niyo po ng higit pang tulong pagkatapos dumaan sa mga artikulo sa aming Help Center, maaari kayong magpadala ng mensahe sa amin sa Coins app:
1. Pagkatapos mag-login, pindutin ang user icon na nasa itaas na kaliwang sulok ng inyong screen.
2. Mapupunta ito sa panibagong view at dito makikita ang Help Center. Piliin ang Suggested topics tab at pindutin ang Request more help.
Gamit ang Web
Kung kayo ay nasa Coins Pro website, pindutin ang Support sa itaas ng page. Pupunta kayo ngayon sa Coins Help Center.
1. Sa Help Center, i-click ang Help button sa kanang ibaba ng pahina.
2. Maglagay ng maikling description ukol sa inyong concern. Pindutin ang "Contact Us" sa ibaba ng lalabas na window.
3. Pumili ng issue detail at ilagay ang inyong mensahe. Maaari kayong mag-attach ng hanggang limang files.
Hihintayin po namin ang inyong mensahe. Salamat po!