Mag-ingat sa mga taong nagpapakilala bilang "crypto trading managers" sa social media o sa mga messaging platform. Paalala po na ang pagbili at pagbebenta ng cryptocurrency ay may kaakibat na panganib at kawalang garantiya ng pagbalik ng iyong puhunan.
Narito ang ilan sa mga halimbawa kung papaano matutukoy ang mga hindi tunay o nagpapanggap na crypto traders:
- Ang account ng nagpapakilalang crypto trader ay may pangalan na generic o hindi pang indibidwal at ang account ay hindi verified.
- Nagpapadala ng mga personal na mensahe patungkol sa "100% na garantisadong paraan kung papaano kumita" mula sa crypto.
- Nagsasabing ikaw ay kikita sa crypto trading kung ikaw ay sasali sa kanilang mga group (halimbawa: Telegram, Facebook group, at iba pa) o kaya kapag ikaw ay nagmensahe sa isang taong tinutukoy nila.
- Magbibigay sila ng link kung saan ka pwedeng mag-sign up sa kanilang "investment platform" na nangangako ng "pagbalik ng higit sa iyong pinuhunan".
- Kanilang hihingin ang credentials ng iyong personal account tulad ng password ng iyong email at Coins account.
Kung ikaw man ay makatanggap ng anumang kahina-hinala kaugnay sa iyong Coins account, mangyaring paki-report ito kaagad sa amin sa help@coins.ph.