Maging alerto sa mga "cryptocurrency investment opportunities" na hindi kapani-paniwala at nangangako ng mabilis at garantisadong kita.
Tandaan na ang lahat ng investment ay mayroong kaakibat na panganib. Maging maingat sa mga investment red flags at makipag-transact lang sa mga lehitimo at SEC-licensed o kontroladong entity.
Mangyaring paalalahanan na ang pag-gamit ng inyong Coins Wallet upang lumahok sa mga hindi lisensyadong investment schemes katulad ng Forsage, BCHjolly, Coingain, at iba pang schemes katulad ng Ponzi schemes, pyramid schemes, online paluwagan, at MLM ay pinagbabawal bilang pagsunod sa Coins User Agreement.
Kung mayroon kayong ma-encounter na hindi lisensaydong investment schemes, ipaalam kaagad sa amin ito. Maaari niyo kaming padalhan ng mensahe gamit ang request form na ito o pumunta sa Help Center sa inyong Coins app.
Manatiling mapagbantay at gawin natin ang ating parte upang mapantiling ligtas at secure ang Komunidad ng Coins.
[Karagdagang artikulo: How to Avoid Investment Scams in the Philippines]