Ang Ethereum Merge, ang pinakamalaking Ethereum network upgrade (to date) na inaabangan ng lahat, ay nagmamarka ng paglipat ng consensus mechanism ng Ethereum network mula sa Proof-of-Work (PoW) upang maging Proof-of-Stake (PoS). Isa sa pinakamalaking benepisyo ng Ethereum Merge ay ang pagbawas sa energy consumption ng network at paghuhusayin ang pagproseso ng mga transaksyon [BASAHIN: What is the Ethereum Merge and why does it matter?].
Ang Merge ay may dalawang yugto o phases:
- Bellatrix - consensus layer upgrade sa Beacon Chain epoch 144,896, inaasahan makamit bandang Setyembre 6, 7:30 PM
- Paris - execution layer upgrade kapag makamit ang Terminal Total Difficulty (TTD) na 58750000000000000000000 (bandang Setyembre 15).
Ano ang magiging epekto ng ETH Merge sa mga Coins users?
Ang Coins.ph ay magkakaroon ng dalawang maintenance period sa kasagsagan ng Bellatrix at Paris upgrades. Narito ang mga tiyak na petsa:
- Setyembre 6, 2022, 6:30 PM - 8:30 PM (PHT) - para sa Bellatrix consensus layer upgrade
- Setyembre 15, 2022 - para sa Paris execution layer upgrade
Sa mga panahong ito, hindi kayo makapagpapadala ng ETH at ERC-20 tokens gamit ang Coins.ph Wallet nila. Ang mga incoming transfers ay matatanggap ng inyong Coins.ph wallet matapos ang maintenance period. Maaaring tingnan ang table sa ilalim upang makita ang buong listahan ng mga apektadong token:
Ang mga conversion at iba pang serbisyo sa Coins.ph ay mananatiling operational at hindi maaapektuhan sa mga nabanggit na maintenance period.
Imomonitor ng aming team ang mga aktibidad sa Ethereum network habang nagaganap ang mga tinukoy na upgrade. Bubuksan lamang ang aming Ethereum / ERC-20 at Ronin deposits at withdrawals kapag may kumpirmasyon na mula sa aming engineering team na ligtas na i-broadcastang mga transaksyon sa mga networks na ito.
Magbibigay din kami ng live updates mula sa aming official Status Page kaya siguraduhin na naka-subscribe kayo!
May kailangan ba akong gawin? Ligtas ba ang aking pondo?
Wala silang kailangang gawin dahil ligtas ang kanilang ETH at ERC-20 tokens bago, habang, at pagkatapos ng Bellatrix at Paris upgrades. Gayunpaman, hinihikayat namin silang magplano ng inyong mga transaksyon nang maaga upang makaiwas sa anumang abala.
Ano ang gagawin ng Coins.ph kung may hard fork?
Inilalaan namin ang karapatan na mag-update tungkol sa gagawin kapag may chain split sa isa pang anunsyo sa hinaharap.
Kung may katanungan pa po sila, ‘wag magdalawang-isip na lumapit sa amin sa Help Center sa inyong Coins app.