Maaaring gamitin ang Coins.ph para sa inyong negosyo. Narito ang mga hakbang para magsimula:
1. Magrehistro para sa isang Coins.ph account rito.
2. Piliin ang Business account para sa account type. Pindutin ang Yes, I'm sure kung ang pangunahing layunin ay ang paggamit ng Business services.
3. Kinakailangang kumpletuhin ang Business Verification form upang mas makilala ng aming team ang inyong business upang matulungan namin kayo sa paggamit ng Coins.ph. Sa form na ito, may iilang business documents na hihingin bilang requirement sa pagpapatuloy sa inyong Business account. Maaaring umabot ng 5 hanggang 7 na araw ang proseso ng pag-review ng aming team.
Walang sinisingil na bayarin sa paglikha at pagpapanatili ng isang account sa Coins.ph. Wala ring kinakailangang panatilihang average daily balance para magamit ang aming serbisyo. Ito ay isang pay-as-you-go service. Kung mayroon man, kailangan lamang magbayad ng transaction fees sa ibang serbisyo.
Bukod pa rito, maaari pa ring gamitin ang inyong Coins.ph para sa inyong negosyo kahit na ito ay nakarehistro sa ibang bansa.
Sa business verification stage, mangyaring magsumite ng mga katumbas na dokumento sa bansang inirehistruhan. Kinakailangan ang mga dokumentong ito para marapat na mapatotohanan ng Consulate ng Pilipinas sa inyong lokal na erya. Mangyaring makipag-ugnayan sa amin upang masuri namin ang inyong mga dokumento bago ninyo ipa-aproba.
Kung may website ang inyong negosyo, mayroon kaming APIs para sa iba’t ibang serbisyo. Maaaring tingnan ang link na ito para sa karagdagang impormasyon sa aming APIs.
Malugod naming hihintayin ang inyong aplikasyon! Maaaring pumunta sa link na ito para makapag-sumite ng pangunahing impormasyon ukol sa inyong negosyo at mga dokumento.
Kung mayroong karagdagang katanungan, maaari magpadala ng mensahe sa business@coins.ph