Para sa mga kompanyang tumatakbo sa loob ng Pilipinas:
Sole Proprietors:
- Certificate of Registration na inilathala ng Department of Trade and Industry (DTI)
- Mayor’s Permit o Business Permit / Barangay Clearance of Renewal
- BIR Registration / permit
- Bank Reference / Statement na inilathala sa huling anim (6) na buwan
Kung ang negosyo ay nakarehistro sa pangalan ng asawa o ibang kasosyo,
- Notaryong kopya ng Special Power of Attorney (SPA) na nagsasabing mayroon kayong legal na kapangyarihang magbukas at gumamit ng account sa Coins.ph sa ngalan ng negosyong pinag-uusapan.
Corporations at Partnerships
- Certificate of Registration na inilathala ng Securities and Exchange Commission (SEC)
-
-
- Articles of Incorporation
-
-
- Secretary Certificate: Nagpapatunay na ang isang tao ay mayroong awtoridad na mamahala ng account sa ngalan ng inyong kompanya. Kailangan lamang na may pirma at napanotaryo ang Secretary Certificate bago ito ipasa sa Coins.ph. Maaaring i-download ang template nito mula sa business application form.
- Directors, Major stockholders at Officers na makukuha sa inyong GIS
- Pinakahuling GIS na ipinasa sa SEC
- Bank Reference
- Mayor’s Permit o Business Permit / Barangay Clearance of Renewal
- BIR permit
Kung ang negosyo ay nakikibahagi sa isang regulated na aktibidad o industriya, mangyaring magsumite ng isang kopya ng inyong lisensya / regulatory approval ng kani-kanilang regulator. Para naman sa mga money changers o foreign exchange dealers at remittance agents, kinakailangang isumite ang Certificate of Registration na itinakda ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at ng AMLC. Kinakailangan ding punan ang inyong AML/KYC policy, na hiwalay na ipapadala sa inyo ng inyong account manager habang ginagawa ang verification process.
Para sa mga kompanyang tumatakbo sa ibang bansa:
Mangyaring magsumite ng mga katumbas na dokumento ayon sa mga kinakailangang dokumento sa itaas. Kinakailangan ang mga dokumentong ito para marapat na mapatotohanan ng Consulate ng Pilipinas sa inyong lokal na erya. Mangyaring makipag-ugnayan sa amin upang masuri namin ang inyong mga dokumento bago ninyo ipa-aproba.
Note: Maaaring humingi ang aming team ng karagdagang impormasyon o dokumento mula sa inyo habang sinusuri ang inyong business application sa Coins.ph.