Ang Coins Pro ay bagong trading platform mula sa Coins.ph na sumisilbi bilang marketplace kung saan makakabili at makakabenta ang mga customers ng cryptocurrencies sa isa’t isa. Maaaring gamitin ito ng mga Coins.ph customers para maglagay ng orders para bumili at magbenta ng cryptocurrencies sa presyo na gusto nila.
Upang masimulan ito, importanteng intindihin ang mga iba’t ibang trade order sa platform. Maaaring basahin ang artikulong ito para sa karagdagang impormasyon: Ano ang mga trade order?
Para mapadali ang trading experience, ang Coins Pro ay may features tulad ng technical indicators para ang customers namin ay makakagawa ng sarili nilang analysis sa loob ng aming platform.
Mas mababa rin ang fees sa Coins Pro kapag bumibili at nagbebenta ng cryptocurrency! Ang maximum fee sa bawat trade sa Coins Pro ay 0.3% at bumababa ito habang tumataas ang kanilang 30-day trading volume. Maaaring magbasa tungkol sa Coins Pro fees at limits dito.
Tingnan ang Coins Pro website sa link na ito para sa karagdagang impormasyon o itong YouTube playlist para makita ng mga larawan mula sa aming platform.