Maligayang pagdating sa Coins.ph! Natutuwa kami na interesado kayo sa aming platform.
Libre gumawa ng account at napakadaling gawin ito. Maaari kayong gumawa ng account sa pamamagitan ng aming website, o kaya naman sa Android or iOS mobile app.
Para makagawa ng account gamit ang website:
Sa inyong mobile phone:
Maaari kayong mag-download ng Coins.ph app sa Google PlayStore para sa Android, at App store
para sa iOS. Hanapin ang Coins.ph
Android: Coins.ph Wallet | iOS: Coins.ph - Load, Bills, Bitcoin |
Pindutin ang Install or Get button.
Para makapag sign-up, sundin ang mga sumusunod na panuto:
1 | 2 | 3 |
1. Buksan ang app, at i-click ang Sign Up with Facebook o Sign Up. Pagkaclick hihingan kayo ng inyong login details. Maaari ninyong gamitin ang inyong mobile number o email address
2. Ilagay ang inyong mobile number/email address at password. At i-click ang Create Account.
IMPORTANTE: Sa pagpili ng password, kinakailangan na gumamit kayo ng password na binubuo ng hindi bababa sa isang numero at hindi bababa sa 8 letra. Paalala lang po na 'wag kayo gumamit ng password na ginamit ninyo sa ibang website o app.
Matutuo nang higit pa tungkol sa account security rito
3. Matapos gawin ito, mapupunta kayo sa pahina kung saan kailangan ninyo maglagay ng verification code. Ipapadala itong verification code ninyo sa email or mobile number na nilagay ninyo.
Maaaring i-copy-paste ang verification code sa pahinang ito, tapos i-click ang Verify button.
4. Congratulations! Nakagawa na kayo ng sarili ninyong account!
Sa Website:
1. Pumunta sa Coins.ph website at pindutin ang Create an Account
2. Ilagay ang inyong mobile number o email address, at ang inyong ninanais na password, tapos pindutin ang Create account.
3. Makakakita kayo ng verification screen. Makukuha niyo ang number na kailangan dito sa SMS or sa mga mensahe ng inyong email (depende kung ano ang ginamit ninyo sa dalawa). I-copy-paste ang verification code sa page, at i-click ang verify button.
4. Congratulations! Nakagawa na kayo ng account sa Coins.ph
Maaari na kayo bumili ng load, magbayad ng bills, at marami pang iba.
Pero bago magawa ito kailangan niyo maglagay ng pera sa inyong account. Magagawa niyo po ito sa pamamagitan ng pag-cash in sa inyong account, sa aming mga partner cash-in outlets.
Pumunta sa link na ito para malaman kung paano ito gawin!