Ang "cash in” ay ang pagdagdag ng pera sa inyong Coins.ph wallet. Pagkatapos mag-cash in, maaari ninyong gamitin ang aming mga serbisyo katulad ng pagbayad ng bills at paglo-load!
Kung ginagamit ninyo ang Coins.ph sa inyong mobile phone o mobile application, sundan ang mga sumusunod na hakbang para makapag-cash in:
1: Pindutin ang "Deposit" option sa app at piliin and "Cash In".
2: Piliin ang cash in method na nais ninyong gamitin.
3: Ilagay ang halaga na nais ipasok sa inyong Coins.ph account at piliin ang “Complete cash in”.
4: Sundan ang mga panuto at kumpletuhin ang inyong pagbayad.
Paano kung ginagamit ang Coins.ph sa web browser? Walang problema! Para makapag-cash in sa web, sundan ang mga simpleng gabay na ito:
1: Mag-login sa inyong Coins.ph account.
2: Sa kaliwang bahagi ng pahina, piliin ang "Portfolio".
3: Piliin ang inyong Peso Balance at pindutin ang Cash In sa itaas na bahagi.
4: Ilagay ang halaga na nais i-cash in at pindutin ang "Next Step".
5: Sundan ang mga susunod na panuto at kumpletuhin ang inyong transaksyon.
Para sa real-time updates sa mga outlet na ito, maaaring tignan ang aming Status Page.