Nais niyo bang mag-cash in ng malaking halaga? Gamit ang PESONet, may maasahang paraan para maglipat ng pera sa inyong Coins.ph account mula sa inyong personal bank account o ibang e-wallet.
Ano ang PESONet?
Ang Pesonet ay isang electronic fund transfer service na nagbibigay-daan sa mga customer ng mga kalahok na institusyon (bangko, e-money issuers, o mobile money operators sa Pilipinas) na makapagpadala o makatanggap ng pera. Naitatag ang sistemang ito sa ilalim ng National Retail Payment System (NRPS), ang polisiya at balangkas na pinamamahalaan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) para sa ligtas, mabilis, at maaasahang pag-transak.
Napadali rin ng Pesonet ang pagbayad para sa mga panggobyerno, pangnegosyo, at pampersonal na mga transakyson. Ito rin ang pinakamabilis na paraan para sa pangmaramihan na mga babayarin. Mainam ring alternatibo para sa tseke ang pagproseso sa PESONet.
Aling bangko ang magagamit para mag-cash in sa PESONet?
Sa ngayon, nalista ng mga sumusunod na bangko ang DCPAY PHILIPPINES INC (COINS.PH) bilang isa sa kanilang mga receiving banks:
|
|
PAALALA: Kapag in-enable ng inyong bangko ang mga transfers via PESONet pero wala siya listahan, maaari ninyong kontakin ang customer support ng bangko at i-request na dagdagan nila ang DCPay Philippines Inc./Coins.ph sa kanilang receiver list.
Paano mag-cash in sa PESONet?
Bago mag-cash in, siguraduhin na ang inyong Coins.ph account ay:
- Level 2 (ID and selfie verified) o higit pa
- Konektado sa isang verified mobile number
Kung natugunan na ang mga kinakailangan, ganito ang paraan para mag-cash in sa PESONet (bisuwal na gabay):
- Magpadala ng fund transfer via PESONet sa pamamagitan ng pag-log in sa inyong personal online banking account. Hindi kailangang gumawa ng cash in order sa Coins.ph app bago gumawa ng transfer.
- Ilagay ang mga detalye ng inyong Coins.ph account upang matuloy ang transfer:
- Bank: DCPay Philippines Inc. (COINS.PH)
- Account Name: Pangalang Nakarehistro sa Coins.ph
- Account Number: Mobile Number na Nakarehistro sa Coins.ph
- Tip: Makikita ang mga detalyeng ito sa sidebar menu ng Coins.ph app. Tingnan ang Ano ang aking Coins.ph account number?
- Kapag na-clear na ang inyong fund transfer via PESONet, papasok ang pera sa Coins.ph Wallet na konektado sa ibinigay na mobile number.
PAALALA: Mag-aapply pa rin ang inyong Coins.ph cash in limits. Kapag malapit nang maabot ng customer ang kanyang cash in limits para sa araw o buwan, mare-reject ang fund transfer patungo sa DCPay Philippines/Coins.ph at ibabalik ang pera ng sending bank sa parehong banking day.
Kailan ko matatanggap ang aking cash in via PESONet?
Nakadepende ang cut-off time para sa mga PESONet transfer sa sending bank. Lahat ng mga PESONet transfers na inilagay bago ang cut-off time ng bangko ay ipoproseso at ipapasok sa inyong Coins.ph Wallet bago mag-alas sais n.h. (6:00 PM) ng parehong banking day. Lahat ng mga transfer na hindi nakaabot sa cut-off time ng bangko (kabilang ang mga transfer na nagawa noong weekend at mga holiday) ay ipoproseso sa susunod na araw, bago mag-alas sais n.h. (6:00 PM).
Magkano ang fee para sa cash ins via PESONet?
Hindi maniningil ang Coins.ph ng bayarin para mag-credit ng cash in via PESONet. Gayunman, paalala po lamang na maaaring maningil ang inyong bangko para sa transfer at nag-iiba sa bawat bangko ang mga bayarin via PESONet. Kakaltasin ang fee mula sa bank account ng customer.
Ano ang pinakamababa at pinakamataas na halaga na maca-cash in ko via PESONet?
Nakadepende ang minimum at maximum na halaga sa mga sumusunod:
- Pinakamababa - Nakatakda ang mga bangko ng kanilang sariling pinakamababang halaga para sa bawat transfer. Papasok ang eksaktong halaga na ipinadala mula sa inyong personal banking account (pagkabawas ng bayarin) sa inyong Coins.ph wallet pagka-clear ng inyong PESONet transaction.
- Pinakamataas - Nakasalalay ang pinkamataas na halaga na maaaring ilipat sa inyong Coins.ph wallet sa pamamagitan ng PESONet sa inyong Coins.ph cash in limits.
PAALALA: Maaaring gumawa ng maramihang PESONet cash ins basta sa loob ito ng inyong Coins.ph cash in limits.
Paano kung naglagay ako ng maling account number sa aking PESONet cash in?
Paalala na lahat ng pera na ipinadala gamit ang PESONet ay itinuturing bilang final. Dahil dito, dapat mag-ingat ang mga customer sa paglalagay ng impormasyon ng tatanggap at halaga na ipapadala. Maikekredito ang halaga sa ibinigay na impormasyon ng tatanggap.
Kung sakaling mali ang ibinigay ninyong number, gagawin namin ang aming makakaya para bawiin ito na napapailalim sa pagsang-ayon ng account holder pati ang mga panloob na patakaran ng beneficiary institution ukol sa pagbabawi. Ikokonsidera ang mga sumusunod: (1) availability ng ikinreditong pera; (2) pagpayag ng beneficiary account holder sa pagdebito ng kanyang account; at (3) turnaround time. Ang ibinalik na pera ay maaaring mapasailalim sa servicing fees para sa pagbawi nito.
Para sa anumang isyu o concern tungkol sa inyong transaksyon, maaari kayong makipag-ugnayan sa aming support team sa in-app message o sa help@coins.ph.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa PESONet, maaaring bisitahin ang www.pesonet.info
Para sa real-time updates sa outlet na ito, maaaring tignan ang aming Status Page.