Madali lang mag-verify ng inyong account para tumaas ang inyong transaction limits. Pumunta lang sa Identity Verification page sa inyong web browser, o kung app ang gamit ninyo, piliin ang Identity Verification sa menu na lalabas pagkatapos pindutin ang User Icon sa kaliwang bahagi sa itaas ng app. Mula doon, pumili ng verification step na ikukumpleto.
Paalala po lamang na mapoproseso ang level 2 at level 3 verification sa loob ng 3 araw pagkatapos ng pagsumite.
Mga cash in limit ayon sa account verification level:
Verification Level | Description | Daily Cash In Limit (PHP) | Monthly Cash In Limit (PHP) | Annual Cash In Limit (PHP) |
1 | Complete Basic Information | 2,000 | 50,000 | 50,000 |
2 | ID and selfie verified | 100,000 | 2,000,000 | 20,000,000 |
3 | Address verified | 400,000 | 5,000,000 | 50,000,000 |
Mga Withdrawal* limit ayon sa account verification level:
Verification Level | Description | Daily Withdrawal Limit (PHP) | Monthly Withdrawal Limit (PHP) | Annual Withdrawal Limit (PHP) |
1 | Complete Basic Information | 0 | 0 | 0 |
2 | ID and selfie verified | 600,000 | 12,000,000 | 120,000,000 |
3 | Address verified | 5,250,000 | 105,000,000 | 1,050,000,000 |
* Ang withdrawal limit ay kombinasyon ng limit ng Peso at crypto. Ang anumang transaksyon na palabas ng Peso o crypto wallet ay mabibilang sa withdrawal limit.
Mga Peso Cash Out limit ayon sa account verification level:
Verification Level | Description | Daily Cash Out Limit (PHP) | Monthly Cash Out Limit (PHP) | Annual Cash Out Limit (PHP) |
1 | Complete Basic Information | 0 | 0 | 0 |
2 | ID and selfie verified | 100,000 | 2,000,000 | 20,000,000 |
3 | Address verified | 400,000 | 5,000,000 | 50,000,000 |
Ang Peso Cash Out limits ay nabilbilang sa inyong withdrawal limits. Gayunpaman, kapag nagamit na ang kabuuan ng Peso cash out limits, kailangan ninyong hintayin mag-refresh ito ayon sa daily, monthly, at annual na paggamit.
Level 1
Pagkatapos mag-sign up at makumpleto ang Basic Information pati na ang mag-confirm ng email address o mobile number, awtomatikong Level 1 na ang inyong account. Ang daily limits ninyo ay nasa 2,000 PHP para sa mga cash in, pero hindi pa kayo makakapag-cash out.
Kung hindi ninyo natanggap ang verification code, maaari niyong i-click ang "Resend".
Level 2
Upang maging Level 2, kinakailangan ninyo magpa-verify ng inyong ID at selfie.
Para makapagpasa ng selfie, kunan ang litrato ng inyong sarili habang hawak ang inyong ID. Para sa listahan ng mga valid ID na tinatanggap namin, mag-click dito.
Kinakailangan ang impormasyon na ito para mabigyan namin kayo ng secure at personalized experience, at maiwasan ang mga panloloko na nagaganap sa aming platform, at makasunod sa mga lokal na regulasyon. Sineseryoso namin ang inyong privacy.
Level 3
Para makapag-level up ng inyong account to Level 3, kinakailangan ninyong mag-address verify.
Para sa listahan ng mga tinatanggap naming dokumento, mag-click dito.
Kung may katanungan pa po kayo, maaari niyo po kaming kontakin sa Coins app o sa help@coins.ph.