Mahalaga na makumpirma ang inyong identity sa aming platform gamit ang isang valid ID sapagkat dahil dito napapanatili naming secure ang inyong account sa ilalim ng aming mga lokal na regulasyon.
Ito po ang aming listahan ng mga valid government IDs na maaari ninyong gamitin para sa ID verification:
- Passport
- Driver's License
- Social Security System (SSS) Card (date of birth must be visible on the ID)
- Professional Regulation Commission (PRC) ID
- Postal ID
- Unified Multi-Purpose ID (UMID)
- Philippine Identification System (PhilSys) ID
- Voter's ID
Para sa mga foreign customers, maaari lamang po gamitin ang inyong international passport para maka-comply sa mga regulasyon ng Pilipinas.
Kung kayo ay may asawa o nagpalit ng pangalan, mangyaring magpasa rin po ng mga supporting documents tulad po ng inyong orihinal na PSA/NSO issued marriage certificate para sa kinasal o birth certificate kung nagpalit ng pangalan, para ma-verify ang inyong ID.
Pakitandaan na tumatanggap lamang kami ng mga indibidwal na 18 taong gulang pataas sa aming platform.
Pumunta lamang sa link na ito para sa karagdagang tips upang ma-verify ang inyong account.
Paano kung wala akong acceptable ID?
Kung wala kayong valid ID mula sa aming listahan, hindi pa namin maaaring i-verify ang inyong account. Ang mga valid ID na nakapangalan sa ibang tao ay hindi rin tinatanggap dahil ang Coins.ph account ay strictly personal at non-transferable.
Paalala: Kahit hindi pa kayo ID at selfie verified, puwede na mag Buy Load, Pay Bills, at mag Cash In.
Kung may katanungan po kayo patungkol sa inyong available IDs, mangyaring makipag-ugnayan sa amin.