Narito ang listahan ng mga dokumentong magagamit sa pag-verify ng inyong address:
- Bank statement
- Credit card billing statement
- Utility bill (water, electricity, cable, telephone, or broadband)
- Mobile phone bill
- Baranggay Certificate of Residency
- Transcript of Records from a recognized educational institution (within 6 months of graduation)
- Mail from a recognized institution (university, government institution, embassy)
- BIR Form 2316
- Insurance Policy Statement of Account
Siguraduhin ang mga sumusunod:
- Nakapangalan sa inyo ang dokumentong kanilang ipapasa at magkatulad ang address sa nakalagay sa Coins.ph account. Dapat inisyu rin ito sa loob ng nakaraang anim (6) na buwan.
- Ang P.O. Box address ay considered invalid.
- Para sa mga foreign documents, siguraduhin na ito ay naka-translate sa English o ito ay may kasamang notarized English translation.
Sa oras na matanggap namin ang inyong submission, mapoproseso ito sa loob ng 3 araw. Para sa iba pang mga gabay kung paano ma-verify ang inyong account, bisitahin lamang ang link na ito.
Paano kung wala akong dokumento?
Kung sakaling walang dokumentong nakapangalan sa inyo, pwede nyo i-upload ang bill na nakapangalan sa inyong magulang o asawa. Kailangan lang ipasa ang bill na ito kasama ang supporting document tulad ng birth certificate o marriage certificate bilang patunay ng inyong relasyon sa bill owner.
Paalala: Hindi required na maging level 3 address verified para simulan gamitin ang inyong account. For level 2 ID and selfie verified accounts, pwede na mag cash in, cash out, buy load, pay your bills, and magpadala ng pera sa ibang tao.
Kung may katanungan po kayo tungkol sa inyong available na documents, maaari niyo po kaming kontakin sa Coins app o sa help@coins.ph.