Para makumpleto ang proseso ng ID at Selfie verification sa Coins.ph, kailangang pagbigyan ang camera access sa inyong web browser. Maaaring manghingi ang aming website ng permission upang makatanggap ng data mula sa camera ng inyong device, pagkascan ng QR code (mula sa Zoloz).
Hakbang upang mag- enable ng Camera Access
1. Bigyan pansin ang Pop-Up Notification.
Kung prompted, ang inyong browser ay magrerequest ng permission upang maaccess ang inyong camera pagkascan ng QR code mula sa Zoloz para sa ID at Selfie verification.
Maghanap ng pop-up notification na manghihingi ng camera access. Pindutin ang “Allow” kung prompted.
2. Iadjust ang Browser Permissions (kung kailangan).
Kung di nakita ang pop-up o kailangang baguhin ang settings:
- Pindutin ang View Site Information icon (kadalasan ay padlock o "i" symbol) na makikita sa kaliwang bahagi ng URL field.
- Sa lalabas na dropdown menu, hanapin ang "Permissions."
- Siguraduhin na ang Camera permission ay nakaset sa “Allowed.”
3. Kumpletuhin ang verification. Pagkagrant ng camera access, maaari nang kumuha at magsubmit ng selfie para sa verfication.
Frequently Asked Questions
Paano kung aksidenteng nawala ang access sa camera?
Kung hindi nabigyan ng access, maaaring muling bisitahin ang site information settings sa inyong browser at baguhin ang camera permission sa “Allowed.”
Paano kung hindi ko pa rin maaccess ang camera pagtapos sundin ang steps?
Kung meron pa ring error, maaaring muling irefresh ang page o irestart ang browser. Maaari rin icheck ang kabuuang setting ng inyong device para sa camera permissions.
Ligtas ba ang pagbigay ng access sa camera?
Oo, ligtas ang pagbigay ng access sa camera basta gumagamit ng trusted websites gaya ng Coins.ph para sa lehitimong verification purposes.