Simula Abril 28, 2022, tatanggapin na lamang namin ang mga sumusunod na valid ID:
- Passport
- Driver's License
- Social Security System (SSS) Card
- Professional Regulation Commission (PRC) ID
- Postal ID
- Unified Multi-Purpose ID (UMID)
- Philippine Identification System (PhilSys) ID
- PhilHealth ID*
- Voter's ID*
*Kung PhilHealth ID o Voter's ID po ang meroon kayo, paki-upload po ang inyong ID sa aming website gamit ang inyong desktop web browser.
Hinihikayat namin lahat ng mga gumagamit ng Coins.ph na kumuha na ng isa sa mga ID mula sa aming listahan dahil ito ay kinakailangan upang i-update ang inyong account sa amin.
Kung may iba pa kayong katanungan, maaari niyo po kaming kontakin ngayon sa pamamagitan ng Coins app o magsumite ng e-mail sa help@coins.ph.