Kakailanganin ng aming website o app ang permiso ninyo upang makatanggap ng larawan mula sa camera ng inyong device.
Kapag nakita ng error message sa Selfie Verification, ibig sabihin na hindi nabigyan ng pahintulot ang inyong browser na kumuha ng larawan gamit ang inyong camera.
Ito ang mga posibleng nagdulot nito:
- Hindi sinasadyang na-click yung reject button nung lumabas ang pop-up message
- Awtomatikong binlock ng inyong browser ang camera, o
- May extension na naka-install sa inyong device na nagbabawal mga app or browser na kumuha ng photo
Para bigyang pahintulot ang Coins.ph na kumuha ng selfie picture, sundin lamang ang mga sumusunod:
Para sa Android:
1. Magtungo sa inyong Settings.
2. Piliin ang Apps o Manage Apps.
3. Iclick ang Coins.ph.
4. Pindutin ang Permissions/ App Permissions.
5. Piliin ang Camera, at iclick ang Allow.
Para sa iOS:
1. Magtungo sa inyong Settings.
2. Iclick ang Coins.ph.
3. Enable ang Camera.
Para sa Web Browser:
Para payagan ang Coins.ph na kumuha ng litrato gamit ang camera ng inyong device sa browser, sundin lamang ang sumusunod:
Sa kabilang banda, maaaring iclick ang View Site Information icon sa kaliwang bahagi ng URL field (kalapit ng parte na may "https://").
May lalabas na dropdown na naglalaman ng lahat ng inyong browser permissions settings. Hanapin lamang ang Permissions, at sa ilalim ng Camera, siguraduhin na ito ay set sa "Allowed".
Kung may katanungan, maaari niyo po kaming kontakin para ma-check ito agad ng aming team.