Maingat na sinusuri ng aming team ang mga dokumentong ipinapasa para sa verification. Narito ang aming tips para ma-verify agad ang inyong Coins.ph account:
- Siguraduhing kumpleto ang larawan ng inyong dokumento, sapagkat kailangan makita ang buong ID/dokumento upang ma-verify ito.
- Siguraduhing malinaw ang nakuhang larawan. Kung sakaling hindi tinanggap ang ipinasa ninyo, maaaring ito ay madilim, malabo, o hindi nakikita dahil natakpan ng flash ng inyong camera.
- Magsumite ng ID/dokumento na valid o may bisa. Makikita ang listahan ng valid IDs sa link na ito.
- Siguraduhing mabilis ang inyong internet connection.
- Siguraduhing pasok sa 20 MB ang ID/dokumento na isusumite. Makatatanggap lamang ang sistema namin ng mga larawang may JPG, PNG, or PDF file format.
- Sa wakas, siguraduhing ikaw mismo ang nasa larawan! ☺
Kung sakaling nasundan lahat ang aming tips at hindi pa rin tinanggap ang inyong submission, maaari niyong i-check ang inyong app o ang inyong email upang makita ang dahilan kung bakit hindi ito natanggap.
Kung may tanong kayo tungkol sa inyong rejection reason, maaari niyo po kaming kontakin sa Coins app o sa help@coins.ph.