Hindi sigurado kung bakit rejected ang inyong ID? ‘Wag mag-alala! Pumunta lang sa aming app o website para malaman ang dahilan at ang pwedeng gawin para maging verified.
Sa Coins.ph app, may pop up message na lalabas sa itaas ng app menu page kung rejected ang inyong ID submission.
1. I-tap ang Read More para malaman ang dahilan ng inyong ID rejection at ang aming payo para dito.
2. Sundin ang nakasaad na payo at magpasa ulit ng tamang submission ng inyong valid ID. Pindutin ang RESUBMIT button para gawin ito.
3. Ang processing time ng ID at selfie submission (kapag nakapasa ng both ID at selfie) ay sa loob ng 3 business days. Pwedeng i-check ang ating app, website, o ang inyong email notifications para sa aming updates.
Kung kayo ay nasa Coins.ph website, pumunta sa Limits & Verifications page o i-click ang link na ito: https://app.coins.ph/limits.
1. Pumunta sa Identity Verification sa ilalim ng Level 2. Kung ang inyong ID ay rejected, makikita ninyo ang dahilan sa dilaw na kahon.
2. Pindutin ang Not Approved button at i-click ang Resubmit ID para maka-upload ng tamang ID submission.
3. Ang processing time ng ID at selfie submission (kapag nakapasa ng both ID at selfie) ay sa loob ng 3 business days. Pwedeng i-check ang ating app, website, o ang inyong email notifications para sa aming updates.
Paalala: Kung may email address na connected sa inyong Coins.ph account, makakatanggap din kayo ng email updates tungkol sa inyong ID verification. Kung wala ito sa inyong inbox folder, i-check ang Promotions folder.
Para sa karagdagang impormasyon, maaaring tingnan ang aming listahan ng mga tinatanggap na ID at mga tip para ma-verify ang inyong account.
Kung may katanungan po kayo o may kailangan ipaliwanag tungkol sa inyong rejected submission, maaari niyo po kaming kontakin sa Coins app o sa help@coins.ph para ma-check ito agad ng aming team.