Ang inyong verification code ay isang OTP (One-Time Password) na ibinibigay sa inyo bago kayo makakapaggawa ng isang transaksyon o makakapag-update ng mga detalye sa inyong account.
Narito ang mga kilos na nangangailangan ng verification code:
- Mga cash in / cash out transactions
- Mga buy load / pay bills transactions
- Mga wallet transfer transactions
- Pagla-log in sa inyong account
- Pagre-reset ng inyong password
- Pagbabago ng inyong email address o mobile number
- Pag-enable ng 2FA (2-Factor Authentication)
Ang mga verification codes ay natatangi, at agad-agad na ipapadala sa iyong registered mobile number. Pakitandaan na ikaw lamang ay makakatanggap ng code sa iyong email address kung walang registered mobile number sa iyong account.
Gayunman, maaari kayong makaranas ng delays o error sa pagtanggap nito. Upang makatanggap agad ng mga codes, tiyakin na mayroon kayong matatag na internet service o malakas na signal ng data connection. Ang pagpapadala ng code ay nakadepende sa bilis ng inyong signal at connection.
Mas makabubuti kung iyong masusubukang i-enable and 2FA sa iyong account. Gamit ito, hindi mo na kailangan na maghintay para dumating ang verification code sa iyong mobile mumber o email address dahil maaari mo na agad na makuha ang naturang verification code mula sa iyong Google Authenticator o Authy app. Sundan lamang ang aming step-by-step guide upang i-enable ang two-factor authentication sa inyong account.
Huwag mahiyang magpadala ng mensahe sa amin dito kung kailangan niyo ng karagdagang tulong.