Narito ang mabilis na mga hakbang upang mag- update ng mobile number na linked sa inyong Coins.ph account:
Sa Coins.ph app
1. Maglog in sa inyong Coins.ph app. Iclick ang User icon sa upper left corner ng inyong screen.
2. Iclick ang "Settings" sa ibaba ng mga options na makikita.
3. Piliin ang "Change mobile number".
Ilagay ang bagong mobile number. Tapos, iclick ang Send sa SMS Verification Code section para matanggap ang verification code sa inyong bagong mobile number. (Note: Pagkalagay ng required verification code, ang Next button sa ibaba ay magiging blue).
4. Magpatuloy sa Facial Recognition. Ito ay recent security feature upang masiguro na ang account user mismo ang nagrerequest ng updates sa kanilang account details.
5. Pagtapos ng successful Facial Recognition procedure, mangyaring ilagay ang lahat ng required verification codes sa ilalim ng Security Check.
Upang makatanggap ng codes, pindutin ang Send katapat ng bawat required code na ipapadala sa inyong Email, Old number, at 2FA (kung mayroon). Mangyaring maghintay ng ilang minuto upang matanggap ang bawat code.
(Note: Pagkalagay ng lahat ng required na verification codes, ang Confirm button sa ibaba ay magiging blue, kung kailan maaari na itong i-click at magpatuloy).
6. Updated na ang inyong mobile number!
Note: Siguraduhin na registered na ang inyong SIM card para sa madaling paggamit ng inyong account.
sa Coins.ph website
1. Maglog in sa Coins.ph gamit ang inyong web browser sa ating official login page (https://pro.coins.ph/en-ph/login/).
2. Sa lower left corner ng inyong browser, iclick ang User icon at piliin ang "Account Settings".
3. Sa Account section, pindutin ang "Change number" katapat ng Mobile Number option.
Pagtapos ay ibigay ang inyong new mobile number, at iclick ang "Update mobile number".
4. Magpatuloy sa Facial Recognition. Ito ay recent security feature upang masiguro na ang account user mismo ang nagrerequest ng updates sa kanilang account details.
5. Pagtapos ng successful Facial Recognition procedure, mangyaring ilagay ang lahat ng required verification codes sa ilalim ng Security Check.
Upang makatanggap ng codes, pindutin ang Send code katapat ng bawat required code na ipapadala sa inyong Email, Old number, at 2FA (kung mayroon). Mangyaring maghintay ng ilang minuto upang matanggap ang bawat code.
(Note: Pagkalagay ng lahat ng required na verification codes, ang Confirm button sa ibaba ay magiging blue, kung kailan maaari na itong i-click at magpatuloy).
6. Updated na ang inyong mobile number!
Mangyaring magpadala ng mensahe gamit ang inyong Coins app o sa ating Coins Support Form kung magka-issue sa pagpapalit ng mobile number na linked sa inyong account.