Ang verification code ay isang One-Time Password (OTP) na kinakailangan bago ka makapag-transaksyon o makapag-update ng mga detalye sa iyong account. Karaniwan, matatanggap mo ang OTP sa iyong registered mobile number, email address, o 2FA authenticator bilang bahagi ng proseso ng Security Check.
Kailan kailangan ang verification code?
Narito ang mga aktibidad na nangangailangan ng verification code:
- Cash in / Cash out transactions
- Buy load / Pay bills transactions
- Wallet transfer transactions
- Paglog in sa account
- Pagreset ng password ng account
- Paguupdate ng inyong email address at/o mobile number
- Pag-enable ng 2FA (2-Factor Authentication)
Paano matanggap ang verification codes?
Para masiguro na matatanggap ang inyong verification codes, sundan ang sumusunod na steps:
1. Icheck ang inyong account details
Siguraduhin na ang inyong registered email address at mobile number ay tama at accessible.
2. Irequest ang Code
Kung kailangan, iclick ang Send o Send Code. Kung gumagamit ng 2FA app, makukuha ang code diretso mula sa app.
3. Code Validity
Tandaan na ang verification codes ay unique at valid sa loob ng 10 minuto. Kung magrerequest ng bagong code bago mag-expire ang naunang code, ang inyong naunang code ay magiging invalid.
Pagtroubleshoot ng Delays sa Pagtanggap ng Codes
Kung makararanas ng delays o errors sa pagtanggap ng verification codes, maaaring isaalang alang ang sumusunod na tips:
- Stable Connection: Siguraduhin na kayo ay mayroong malakas na internet connection o mobile signal. Ang bilis ng pagdeliver ng code ay nakadepende sa inyong connectivity.
- Icheck ang Spam/Junk Folders: Kung may inaasahang email at hindi ito makita, icheck ang spam o junk folders.
- Nawalan ng Access: Kung nawalan ng access sa inyong registered email address o mobile number, mangyaring sumangguni sa Need Help? option ng Coins.
Pag-enable ng Two-Factor Authentication (2FA)
Ang pag-enable ng 2FA ay maglalagay ng karagdagang layer ng seguridad sa inyong account. Pagka-activate, matatanggap ang verification codes mula sa inyong Google Authenticator o Authy app. Basahin dito kung paano mag-enable ng two-factor authentication sa inyong account.
Pamamahala sa inyong Authentication Methods
Maaaring icustomize kung paano makakareceive ng verification codes sa pamamagitan ng pamamahala ng inyong authentication methods:
1. Buksan ang Settings
Iaccess ang inyong Coins.ph account at magtungo sa Settings.
2. Piliin ang Authentication Methods
Sa ilalim ng Security, pindutin ang "Authentication Methods".
Sa Coins App
|
Sa Coins Website
|
3. Iclick ang nais na option
Gamitin ang switches upang ienable o disable ang verification mula sa iyong email address o mobile number. Ang switch ay ON by default sa alinmang email address o mobile number na nakalink sa inyong account.
Kung nais na hindi gamitin ang inyong 2FA para sa authentication, mangyaring magtungo diretso sa Settings. Sa ilalim ng Security section ay iclick ang Disable Authenticator App.
4. Magpatuloy sa verification steps
Maaaring kailanganin dumaan sa verification gaya ng Facial Recognition o ilang authentication codes.
5. Naset na ang Authentication methods
Makakatanggap na lamang ng verification codes mula sa preferred account details na nakabukas.
|
|
Maaaring magtungo sa Help Center article na ito kung makakaranas ng errors sa pagenable/ disable ng inyong authentication methods.