Narito po ang simpleng paraan upang mapalitan ang kanilang 4-digit PIN:
- Pindutin ang User Icon sa itaas na kaliwang bahagi ng app.
- Piliin ang Settings sa dulo ng mga pagpipilian.
- Sa ilalim ng Security, pindutin ang Change PIN code
- Ilagay ang kasalukuyang PIN.
- Susunod, ilagay ang bagong PIN na gusto nilang gamitin.
- Ikumpirma ang bagong PIN at tapos na ang inyong pagpalit ng PIN!
Kung sakaling nakalimutan na ang kasalukuyang PIN, maaaring mag-log out at ilagay ang inyong password upang makagawa ng bagong PIN sa inyong app.
Paalala lang po na madi-disable ang inyong Biometrics Login Option (Fingerprint Login / Face ID Login) pag nag reset kayo ng 4 digit PIN. Maaari niyo itong ma-enable muli sa app.
Siguraduhin na i-secure ang 4-digit PIN at ang inyong login credentials para hindi po kayo mawalan ng access sa inyong account.
Maaaring magpadala ng request dito, o kaya naman ay mag-send ng in-app message kung kailangan niyo ng karagdagang tulong sa inyong account.