Nawalan ng access sa inyong account details (mobile number o email address) at di na makatanggap ng codes? Huwag mag- alala! Matutulungan namin kayo.
Sundan lamang ang sumusunod na steps upang makapag-login sa inyong account:
1. Sa Login page, iclick ang Need help? button.
2. Mula sa listahan, maaaring piliin ang Lost my phone number o Lost my email option, depende sa inyong concern.
3. Ilagay ang mobile number o email address na linked sa inyong account, kung saan kayo nawalan ng access.
Note: Sa kabilang banda, kung inyong nakalimutan ang details na registered sa inyong account, maaaring magrefer sa halip sa Help Center article na ito.
4. Kung ang account details na nilagay ay nakaregister na dati, maaaring magpatuloy sa pag- update ng inyong bagong account details. Siguraduhin na may access sa inyong bagong account details dahil kakailanganin ninyo ng verification code na ipapadala sa nasabing detail.
5. Pagkatapos sa mga susunod na verification steps, ang inyong bagong account detail ay registered na sa inyong account. Maaaring nang gamitin ang mobile number o email address sa paglog in sa inyong account.
NOTE: Aming ipinapaalam na ang nasabing feature ay available lamang sa updated Coins.ph applications. Mangyaring iupdate ang inyong app sa latest version (Maaaring magrefer sa sumusunod na Help Center articles dito para sa Android at dito para sa iOS).
Maaari kaming icontact sa Chatbot o Coins Support Form kung kailangan ng karagdagang assistance.