Unang prayoridad sa Coins.ph ang seguridad ng inyong account. Ngayong ang Coins accounts ay gumagamit ng MPINs, ang pagsecure ng inyong account ay mas madali nang maalala dahil sa 4-digit passwords.
Kung sakaling nakalimutan ang inyong password/ MPIN, maaaring ireset ito gamit ang email address o mobile number na konektado sa inyong Coins account. Sundan lamang ang steps sa ibaba:
1. Sa Login page, ilagay ang inyong mobile number at iclick ang Next. (Kung gamit ang inyong email address, maaaring iclick muna ang Use email instead option sa ibaba ng screen.)
2. Sa susunod na screen, iclick ang Forgot MPIN/Password? option sa ibaba ng Password section.
Note: Maaari rin maaccess ang Forgot MPIN/ Password? option sa pagclick ng Need Help? button sa umpisa, sa itaas ng Login page.
Mula sa listahan, maaaring pindutin ang Forgot my MPIN/ Password.
3. Maaaring ilagay ang inyong mobile number o email address, kung alinman ang linked sa inyong account (mangyaring pindutin ang Use email instead para ilagay ang inyong email address).
4. Pagtapos ay ilagay ang bagong MPIN ng inyong account.
MAHALAGA: Ang accounts ngayon ay gumagamit ng MPINs! Kung pipili ng 4-digit MPIN, iwasang gumamit ng MPIN na nagamit na dati. Mangyaring iwasan din ang mga sumusunod:
- Parehong numero (hal. 0000, 1111)
- Magkakasunod na mga numero (hal. 1234, 9876)
- Magkakasunod na numero (pasulong o pabaliktad) mula sa inyong mobile number
- Mula sa inyong birthdate
- Dating gamit na MPIN
- MPIN na gamit sa ibang website o service
Mas matuto ukol sa pagpapabuti ng seguridad ng inyong account sa Help Center section na ito.
5. Ilagay ang lahat ng kailangang verification codes sa ilalim ng Security Check.
Note: Kapag ang lahat ng required verification codes ay nabigay na, ang Confirm button ay magiging itim at maaari nang pindutin. Kung nahihirapan makatanggap, iclick lamang ang Need help? button sa itaas, o icheck ang Help Center article na ito para sa karagdagang tulong.
Maaaring kailanganin upang magpatuloy ang Facial Recognition (sa app) o Selfie video recording (sa website). Ito ay panibagong security feature upang masiguro na ang account owner mismo ang nagerequest ng pagbabago sa kanilang account details.
NOTE: Aming ipinababatid na ang feature sa itaas ay available lamang sa mga updated na Coins applications. Mangyaring iupdate ang inyong app sa latest version (Maaaring sumangguni sa aming Help Center article para sa Android at para sa iOS). Kung hindi ay maaaring maaccess ang nasabing feature sa Coins website.
Icheck ang Help Center article na ito kung sa halip ay nawalan ng access sa inyong mobile number o email address. Maaari rin lumapit sa aming team para sa karagdagang assistance mula sa aming team.