Ito ang mga hakbang na kailangang sundan sa pagpapalit ng inyong email address ng inyong Coins.ph account:
Sa Coins app
Sa mobile app, pindutin ang User icon sa kaliwang itaas na bahagi.
Sa lalabas na menu, iclick dito ang Settings at ito ang lalabas.
Pindutin ang Email address.
Pagtapos ay ilagay ang bagong email address na nais gamitin, at iclick ang Send sa Email Verification Code (New email) section.
Maraming verification codes ang kakailanganin bago ang matagumpay na pagpapalit ng email address. Pindutin ang Send sa tabi ng bawat kailangan code para matanggap ang inyong OTP. Kung hindi makatanggap ng verification code, nakabubuti na maghintay nang di bababa a 10 minuto bago subukang muli.
Sa Coins website
Maglog in sa Coins website. Pagtapos, sa ibabang kaliwa na bahagi ng Home page ay pinduti ang User icon.
Sa magbubukas na menu ay piliin ang Account Settings.
Sa Account section, iclick ang Change email sa Email Address option.
Maraming verification codes ang kakailanganin bago ang matagumpay na pagpapalit ng email address. Pindutin ang Send sa tabi ng bawat kailangan code para matanggap ang inyong OTP. Kung hindi makatanggap ng verification code, nakabubuti na maghintay nang di bababa a 10 minuto bago subukang muli.
Kung makaranas ng issue sa pagpapalit ng inyong email address, magpadala lamang ng mensahe sa amin.