Unverified Account
Kung hindi pa verified ang iyong account at hindi na ginagamit, maaaring iwanan na lamang ang account. Hindi po ito kailangang ipa-deactivate. Sa ganitong paraan, kung gusto niyo ulit magamit ang account, mag-login lamang muli gamit ang registered email o number para magamit ang aming mga serbisyo. Pakitandaan lamang po na may maintenance fees para sa mga account na hindi aktibo nang 12 buwan o mahigit.
Verified Account
Kung verified na ang iyong account, nirerekomenda namin na huwag itong ipa-deactivate sapagkat nakasaad sa aming User Agreement na maaari lamang magkaroon ng isang verified na account ang bawat customer. Kung sakaling nagpapa-deactivate kayo dahil mayroon kayong higit sa isang account, maaaring basahin ang artikulong ito para sa karagdagang impormasyon.
Proseso ng Deactivation
Kung nais niyo pa rin magpatuloy sa deactivation, magpadala po ng mensahe gamit ang aming form o mula sa app para matulungan kayo ng aming team.
Upang makatulong, ito ang mararanasan na proseso sa pag-deactivate ng account:
1. Magkakaroon ng kaunting mga katanungan ang aming team upang malaman kung bakit nais nilang magpa-deativate ng account.
2. Kapag ang mga katanungan ay nasagot nang malinaw at nais pa rin nilang tumuloy sa pag-deactivate, maaaring ipasagot sa inyo ang isang maikling online form upang makumpirma ang iyong identipikasyon.
3. Kung sakaling kulang o invalid ang impormasyon sa inyong online form, ipapakumpleto muli ito sa inyo.
4. Kapag kumpleto na ang iyong ipinasang online form, magpapatuloy na ang aming team sa proseso ng deactivation.
Pag-delete ng Account Data
Sa aming pagsunod sa mga lokal na regulasyon, ang pag-delete ng account data ay ipinagbabawal sa loob ng limang (5) taon mula sa pag-deactivate ng account. Please be assured that once your account is deactivated, no one will be able to access or use this without your permission.