Dahil ang inyong Coins.ph account ay personal at hindi natatransfer, isang verified Coins.ph account lang ang pwede sa bawat isa, ayon din sa ating User Agreement.
Hindi pa ID at Selfie verified ang dati kong account
Kapag hindi pa ID and selfie verified ang inyong account, hindi na ito kailangan ipadelete. Pwede niyong piliin kung anong account ang gagamitin niyo bilang verified account. Pagkapili, maaari nang magpatuloy sa pagverify ng inyong ID at Selfie. Narito ang ilang tips upang makatulong dito!
ID at Selfie verified na ang dati kong account
Kapag ang inyong dating account ay ID at Selfie verified, kakailanganin nang gamitin ang nasabing account dahil ang inyong impormasyon dito ay naibigay at naapprove na. Dagdag pa rito, dahil verified na ang account niyo, makakapag cash out na rin kayo mula sa nasabing account.
Nakatanggap ng "Duplicated account detected" message pagtapos magsubmit ng inyong ID & Selfie para sa inyong Level 2 verification? Bisitahin ang aming Help Center article upang malaman ang susunod na steps ukol dito.
Samantala, kung nagkakaproblema kayo sa paglog in sa inyong account dahil sa sumusunod:
- Nawala ang sim ng inyong verified account;
- Nawalan kayo ng access sa email na nakakabit sa inyong verified account; o
- Hindi niyo naalala na may naverify na kayong account dati
Maaaring lumapit sa amin gamit ang inyong Coins.ph app o ating Coins Support Form laman ang email address at/o mobile number na huling naaalala para macheck ito at matulungan kayo sa paggamit ng inyong account muli.