Hinihikayat namin ang aming users na maging ID at selfie verified upang mas ma-enjoy at magamit ang aming mga serbisyo. Mabilis at madali lamang ang pag-verify ng inyong ID at selfie. Tingnan ang aming step-by-step guide kung paano magiging ID at selfie verified gamit ang aming app o website.
Gamit ang Coins.ph App:
Upang ipasa ang inyong ID gamit ang mobile app, piliin ang Limits and Verifications sa sidebar menu. I-tap ang Identity Verification button at gawin ang sumusunod:
1. Ibigay ang inyong general information. Itatanong sa inyo ang inyong Pangalan, Gitnang Pangalan, Apelyido, Petsa ng Kapanganakan, Kasarian, Nasyonalidad at Bansa ng Kapanganakan.
2. Ibigay ang inyong kasalukuyang address. Piliin ang bansa kung saan kayo kasalukuyang matatagpuan. Hihilingin din sa inyo na ilagay ang estado/lalawigan, lungsod, numero ng bahay, pangalan ng gusali, kalye, at ZIP code.
3. Ilagay ang inyong employment status. Piliin ang industriya ng inyong trabaho, at ibigay ang pangalan ng kumpanya kung saan ka nagtatrabaho, pati narin ang inyong posisyon sa trabaho.
4. Pumili ng isang Valid Government ID na nasa aming listahan. Para malaman kung anu-ano ang mga tinatanggap naming IDs, mag-click dito.
5. Mag-upload ng larawan ng inyong piniling valid ID. Mangyaring tandaan na para sa ilang mga ID, hihilingin na kayo ay magsumite rin ng back ID image. Maaari kayong mag-click dito upang suriin ang ilang mga tip para maging mas mabilis ang verification.
6. Kapag naisumite na ang inyong ID para sa pag-verify, hihilingin din sa inyo na kumpletuhin ang inyong Selfie Verification. Maaari ninyong sundin ang mga hakbang sa ibaba:
- Kumuha ng malinaw na larawan ng inyong sarili. Maaari ninyong sundin ang aming gabay sa kung paano kumuha ng tamang selfie. Siguraduhing kumuha ng selfie sa pamamagitan ng Coins.ph mobile app lamang dahil hindi kami tumatanggap ng mga upload mula sa mga external na source.
Tapos na! Kapag na-upload na ang larawan, ire-redirect ka sa isang pahina ng kumpirmasyon na ang inyong ID at Selfie ay sinusuri na. Ang huling hakbang ay ang pag-click sa ‘I Understand'. Makatitiyak na makakatanggap ka ng abiso sa sandaling maproseso ito.
Para ma-verify ang inyong ID at selfie gamit ang web, maaaring sundin ang mga sumusunod:
1. Sa itaas na kanang bahagi ng screen, i-click ang icon na katabi ng inyong pangalan, at i-click ang Limits and Verifications.
2. I-click ang "Verify now" button sa Identity Verification na bahagi ng screen.
3. Ibigay ang inyong Personal details at source of funds.
4. Mag-upload ng larawan ng inyong piniling wastong ID at ibigay ang inyong ID number. Para sa ilang mga ID, kakailanganin mong i-upload din ang back image nito.
Upang i-verify ang inyong selfie gamit ang web, maaari mong i-click ang "Verify now" sa Selfie verification na bahagi ng screen, at makikita mo ang guide kung paano kukuha ng tamang selfie.
Siguraduhin na bigyang access ang aming website na gamitin ang camera ng inyong gadget. I-click lamang ang "OK" at maaari ka nang kumuha ng selfie. Tandaan na hindi namin tinatanggap ang mga mula sa external source para sa selfie verification.
Kung may katanungan pa po kayo, mangyaring makipag-ugnayan sa amin sa help@coins.ph o kontakin kami gamit ang Coins app sa pamamagitan ng pagsunod sa mga hakbang sa ibaba: