Madali lang mag-verify ng inyong account para tumaas ang inyong transaction limits. Pumunta lang sa Limits and Verifications page sa inyong web browser, or kung app ang gamit ninyo, pumunta sa Limits and Verifications mula sa top left menu. Mula doon, pumili ng verification step na ikukumpleto. Paalala po lamang na mapoproseso ang level 2 at level 3 verification sa loob ng 3 araw pagkatapos ng pagsumite.
Mga cash in limits ayon sa account verification level:
Verification Level | Deskripsyon | Daily Cash In Limit (PHP) | Monthly Cash In Limit (PHP) | Annual Cash In Limit (PHP) |
1 | Email/phone verified | 2,000 | 50,000 | 50,000 |
2 | ID and selfie verified | 50,000 | 100,000 | 400,000 |
3 | Address verified | 400,000 | 400,000 | Unlimited |
4 | Custom verified | Custom* | Custom* | Custom* |
*Up to 5,000,000
Mga cash out limits ayon sa account verification level:
Verification Level | Deskripsyon | Daily Cash Out Limit (PHP) | Monthly Cash Out Limit (PHP) | Annual Cash Out Limit (PHP) |
1 | Email/phone verified | 0 | 0 | 0 |
2 | ID and selfie verified | 50,000 | 250,000 | 400,000 |
3 | Address verified | 400,000 | Unlimited | Unlimited |
4 | Custom verified | Up to 5,000,000 | Unlimited | Unlimited |
Level 1
Pagkatapos mag-sign up at mag-confirm ng email address o mobile number, awtomatikong Level 1 na ang inyong account. Ang daily limits ninyo ay nasa 2,000 PHP para sa mga cash in, pero hindi pa kayo makakapag-cash out.
Kung hindi ninyo natanggap ang verification code, maaari niyo puntahan ang link na https://coins.ph/login at i-click ang "resend".
Level 2
Ang mga Level 2 accounts ay may cash in at cash out limit na 50,000 pesos kada araw at 400,000 pesos kada taon. Upang maging Level 2, kinakailangan ninyo magpa-verify ng inyong ID at selfie.
Para makapagpasa ng ID verification request, mag-click dito. Para sa listahan ng mga valid ID na tinatanggap namin, mag-click dito.
Para makapagpasa ng selfie, mag-click dito at kunan ang litrato ng inyong sarili habang hawak ang inyong ID.
Kinakailangan ang impormasyon na ito para mabigyan namin kayo ng secure at personalized experience, at maiwasan ang mga panloloko na nagaganap sa aming platform, at makasunod sa mga lokal na regulasyon. Sineseryoso namin ang inyong privacy.
Level 3
Ang mga Level 3 accounts ay may cash in at cash out limit na 400,000 pesos kada araw. Para makapag-level up ng inyong account to Level 3, kinakailangan ninyong mag-address verify.
Para makapagpasa ng address verification request, mag-click dito. Para sa listahan ng mga tinatanggap naming dokumento, mag-click dito.
Level 4
Ang Level 4 accounts ay nagbibigay ng custom limits para sa mga customer na gusto ng limits na higit sa limits ng Level 3. Para makapag-apply para sa custom limits, pakibasa ang artikulong ito.
Kung may katanungan pa po kayo, maaari niyo po kaming kontakin sa Coins app o sa help@coins.ph.