Kung nais mong hindi na muna tumuloy sa pag-cash in sa iyong Coins.ph wallet, maaari mo itong kanselahin upang ma-refresh ang iyong cash in limits. Para sa iyong kaalaman, hindi mo na kailangang kanselahin ang cash in order kung ito ay nag-expire na.
Ito ang mga hakbang na susundin:
- Buksan ang iyong Coins.ph wallet at pumunta sa transaction history;
- Pindutin ang cash in transaction; at
- Pindutin ang Cancel Order
Para sa anumang isyu o concern sa inyong transaksyon, maaaring lumapit sa aming support team sa pagpapadala ng mensahe sa app o sa pagpapadala ng mensahe rito. Ikasasaya ng aming team na tulungan kayo sa anumang concern na mayroon kayo.