Ang mga transaction na nakaka-apekto sa inyong cash in limit ay ang mga sumusunod:
- Pag cash in sa inyong Peso wallet
- Pag tanggap ng payments sa inyong Peso wallet galing sa isa pang Coins.ph account
- Pag tanggap ng payments sa inyong Peso wallet mula sa external na Bitcoin wallet
- Pag convert ng kahit anong cryptocurrency sa Peso
Paalala: Sa panahong kayo'y may paparating na Bitcoin sa inyong Peso wallet mula sa isang external na wallet, at aabutin ng transaction na iyon ang inyong limits, ang inyong pera ay unang ilalaan sa inyong Bitcoin wallet.
Ang mga transaction naman na nakaka-apekto ng inyong cash out limit ay ang mga sumusunod:
- Pag cash out ng inyong funds mula sa inyong wallet patungo sa isang non-Coins.ph account (bank account, remittance center, e-wallets, atbp.)
Alalahanin na ang pagbili ng load, pagbayad ng bills, pagbili ng eGift Cards, at pagbili ng game credits ay hindi nakakaapekto sa inyong account limits.
Para makita ang inyong kasalukuyang limit at kung paano ito madadagdagan, pumunta lamang sa Limits and Verification page sa app o website. Para naman sa karagdagang impormasyon tungkol sa cash in and cash out limits ng bawat level, maaaring basahin ang artikulong ito.
Kung may katanungan pa po kayo, maaari niyo po kaming kontakin sa Coins app o sa help@coins.ph.