Kailangan ng mabilis at convenient na cash in option? Sa pamamagitan ng InstaPay, maaari nang mag-cash in agad-agad sa inyong Coins.ph account mula sa inyong bank o e-wallet!
Ano ang InstaPay?
Ang InstaPay ay isang Electronic Fund Transfer (EFT) service na nagbibigay-daan sa mga customer ng isang kalahok na BSP-supervised financial institution na maglipat ng Philippine Peso funds mula sa kanyang account papunta sa account sa isa pang kalahok na BSP-supervised financial institution. Matatanggap ng recipient ang nailipat na pera agad-agad.
Anu-ano ang mga bangko na magagamit ko para mag-cash in sa InstaPay?
Narito ang mga bangko na sumusuporta sa InstaPay outgoing transfers:
|
|
*May daily limit na P50,000
Makakapaggawa itong mga bangko/institusyong pampinansyal ng mga fund transfers sa third party institutions. Nakadepende ang mga fee para sa bawat fund transfer sa bangkong nagpapadala.
Paano mag-cash in sa Coins.ph gamit ang InstaPay?
Bago mag-cash in, siguraduhin na ang inyong Coins.ph account ay:
- Level 2 (ID at selfie verified) o higit pa
- Konektado sa isang verified mobile number
Kung natugunan na ang mga kinakailangan, ganito ang paraan para mag-cash in sa InstaPay (bisuwal na gabay):
- Mag-log in sa inyong personal online/mobile banking o e-wallet account.
- Hanapin ang opsyon para magpadala ng funds sa ibang bangko.
- Piliin ang "DCPay Philippines/Coins.ph" mula sa listahan ng bangko at simulan ang fund transfer. Pakitandaan na ito ang mga kailangan na ilagay sa recipient information:
- Account Name: Pangalang Nakarehistro sa Coins.ph
- Account Number: Mobile Number na Nakarehistro sa Coins.ph
- Tip: Makikita ang mga detalyeng ito sa sidebar menu ng Coins.ph app. Tingnan ang Ano ang aking Coins.ph account number?
PAALALA: Siguraduhin po na maglilipat kayo ng halaga sa loob ng inyong Coins.ph cash in limits.
Kailan ko matatanggap ang aking cash in sa InstaPay?
Agad-agad pinoproseso ang mga InstaPay transfers. Kung hindi pa pumasok ang cash in sa inyong Coins account sa loob ng 5 minuto, pakikontak kami via request form o in-app message para matulungan namin kayo.
Magkano ang bayad para sa mga cash in sa InstaPay?
Walang bayad para makatanggap ng pera via InstaPay sa inyong Coins account. Gayunpaman, maaaring maningil ang nagpapadalang bangko/e-wallet ng bayarin para sa mga bank fund transfer.
Ano ang pinakamababa at pinakamataas na halaga na maaaring i-cash in via InstaPay?
Nakadepende ang pinakamababa at pinakamataas na halga sa mga sumusunod:
- Pinakamababa - Itinakda ng mga bangko ang kani-kanilang minimum amount para sa bawat transfer. Ang eksaktong halaga na ipinadala mula sa inyong personal banking account (maliban sa bayad) ay papasok sa inyong Coins.ph wallet kapag naproseso na ang inyong InstaPay transaction.
- Pinakamataas - Limitado ang lahat ng InstaPay transfer hanggang 50,000 Php sa bawat transaksyon. Bilang karagdagan, sasailalim ang mga InstaPay transfer patungo sa inyong account sa inyong mga Coins.ph cash in limits.
PAALALA: Makagagawa kayo ng maramihang InstaPay cash in basta pasok ang mga ito sa inyong Coins.ph cash in limits.
Paano kung naglagay ako ng maling account number sa aking InstaPay cash in?
Paalala na lahat ng ipinadalang pera sa pamamagitan ng InstaPay ay itinuturing bilang final. Dahil dito, dapat mag-ingat ang mga customer sa paglalagay ng impormasyon ng tatanggap at halaga na ipapadala. Maikekredito agad-agad ang halaga sa ibinigay na impormasyon ng tatanggap.
Para sa anumang isyu o concern tungkol sa inyong transaksyon, maaari kayong makipag-ugnayan sa aming support team sa form na ito o sa in-app message.
Para sa real-time updates sa outlet na ito, maaaring tignan ang aming Status Page.