Importante na updated ang mobile number na konektado sa inyong Coins.ph account. Sakaling nagpalit kayo ng mobile number o nawalan kayo ng sim, narito ang mga hakbang para mapalitan ang inyong mobile number:
Gamit ang Web Browser
Mag-log in sa Coins.ph mula sa aming official login page: https://app.coins.ph/welcome/login. I-click ang iyong pangalan sa bandang kanan sa itaas at i-click ang Settings.
Sa ilalim ng General na category ng iyong Account Settings, maaari mong baguhin ang mga detalye ng iyong account tulad ng iyong mobile number.
I-click ang Palitan ang mobile number, ilagay ang inyong bagong mobile number, at i-click ang Ipadala ang codes. Makakatanggap ng verification code sa inyong mobile number at ito ay dapat ilagay upang makapagpalit ng mobile number.
Gamit ang Mobile App
Mag-log in sa Coins.ph account gamit ang mobile app. I-click ang Account tab sa bandang kanan sa ibaba upang makita ang detalye ng iyong account at ang mga settings upang maisaayos ito. I-click dito ang Settings at ito ang lalabas:
Piliin ang Palitan ang mobile number, at sa susunod na screen ay ilagay ang number na gustong gamitin. Pagkatapos ay i-click ang Ipadala ang code.
Makakatanggap kayo ng verification code sa inyong bagong mobile number, at iyon ang gagamitin para makumpirma na papalitan ang number. Kung hindi makatanggap ng verification code, makabubuti kung susubukan ito muli pagkatpos maghintay ng 20 minuto.
Para sa seguridad ng inyong account, magkakaroon ng 72-hour na delay bago mag-reflect ang bagong number sa inyong account. Matapos ang nasabing time window, matatanggap niyo na ang lahat ng notifications sa bagong phone number.
Kapag may hindi malinaw o may iba pang katanungan, wag mag-atubiling mag-mensahe sa help@coins.ph o gumawa ng request dito.