Maaaring gamitin ang pera sa inyong Coins.ph wallet para bumili ng load para sa Globe, Smart, Sun, Talk 'N Text, Touch Mobile, at DITO.
Sa mobile app, narito ang mga hakbang para makabili ng load:
Step 1: Pindutin ang “Buy Load” icon sa Discover tab ng app
Step 2: Piliin ang network ng number na tatanggap ng load.
Step 3: Ilagay ang mobile number na nais padalhan ng load.
Step 4: Ilagay ang halaga ng bilbilhin na load sa ilalim ng Buy Load tab, o pumili sa mga promos by sa ilalim ng Buy Promo tab.
Step 5: Kumpirmahin ang mga detalye ng inyong transaksyon ay pindutin ang Confirm.
Makakakuha kayo ng text confirmation ng inyong load purchase sa loob ng 10 minuto. Ganun lang kabilis! Kung load promo naman ang binili, ibig sabihin nito ay awtomatikong naka-subscribe na kayo sa promo na ito.
Kung hindi naman kailangan ang load, maaari ring gamitin ang pera sa inyong wallet para makabayad ng bills. Maaari niyong bisitahin ang link na ito para matutunan kung paano magbayad ng bills.
Para sa real-time na updates, bisitahin ang aming Status Page.