Maaaring gamitin ang pera sa inyong Coins.ph wallet para bumili ng load para sa Globe, Smart, Sun, Talk 'N Text, Touch Mobile, at DITO.
Paano bumili ng load gamit ang inyong:
- Mobile App
- Website
Sa mobile app, narito ang mga hakbang para makabili ng load:
Step 1: Pindutin ang “Buy Load” icon sa inyong app
Step 2: Ilagay ang mobile number na nais niyong loadan
Step 3: Ilagay ang halaga ng gustong bilhin na load, o pumili sa mga naka-tala sa inyong app. Maaari ring bumili ng load promos gamit ang option para sa Combo, Data, at Text.
Step 4: Slide to pay!
Sa Coins.ph website, mangyaring sundin ang sumusunod na hakbang:
Step 1: Pindutin ang “Buy Load” icon sa website
Step 2: Ilagay ang mobile number na nais niyong loadan
Step 3: Ilagay ang halaga ng gustong bilhin na load, o pumili sa mga naka-tala.
Step 4: Pindutin ang Load now!
Makakakuha kayo ng text confirmation ng inyong load purchase sa loob ng 10 minuto. Ganun lang kabilis! Kung load promo naman ang binili, ibig sabihin nito ay awtomatikong naka-subscribe na kayo sa promo na ito.
Kung hindi naman kailangan ang load, maaari ring gamitin ang pera sa inyong wallet para makabayad ng bills. Maaari niyong bisitahin ang link na ito para matutunan kung paano magbayad ng bills.