Kung nagpadala sila ng di-supportadong token o token na dumaan sa di-suportadong network sa kanilang Coins.ph wallet, maaaring lumapit sa aming team at ibigay ang mga detalye ng kanilang transaksyon, kabilang dito ang transaction hash o URL link ng transaksyon, at mag-iimbestiga kami upang matiyak kung mababawi ang napadalang asset.
Pakitandaan na karagdagang suporta lang ito na inaalok namin at nasa amin ang desisyon kung susubukan ang pagbabawi. Hindi namin magagarantiya ng matagumpay na pagbabawi sa mga ganitong kaso.
Hindi na maibabalik ang mga blockchain transaction at itinuturing na hindi na mababawi ang mga di-suportadong token o mga token na dumaan sa di-suportadong network na ipinadala sa kanilang Coins.ph wallet.
Lubos naming pinapayuhan ang aming mga customer na mag-ingat at tingnan nang mabuti ang lahat ng detalye kapag gumagawa ng mga blockchain transfer. Bukod pa rito, mas mainam kung gumawa muna ng test transfer na may maliit na halaga upang maiwasan ang problema sa kanilang mga malalaking transfer.
Paalala po lamang na delikado at nakakaubos ng oras ang pagbabawi ng cross-chain deposit at di-suportadong token, at walang garantiya na mababawi ang lahat ng mga deposito. Nakaiimpluwensiya ang uri ng token at ang address ng nakatanggap ng maling deposito sa pagkahirap, tagal, at seguridad na nakasalalay dito. Nasa aming diskresyon kung gaano katagal ang pagbawi sa nasabing pondo at ibabawas ang anumang transfer fee sa nabawing halaga.
Dahil sa pagkadelikado at pagkahirap sa pagbabawi ng mga token, masisingilan sila ng recovery fee kung matagumpay ang pagbabawi.
Kung nakipag-ugnayan na sila sa amin para matulungan sila, asahan na tutugunan ito ng aming team sa loob ng 24 oras.