Inilabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang Circular 1108 tungkol sa mga patnubay para sa mga Virtual Asset Service Providers (VASPs), at kasama rito ang Travel Rule ng Financial Action Task Force (FATF).
Ano ang isang VASP?
Ayon sa Circular 1108, ang Virtual Asset Service Provider (VASP) ay tumutukoy sa anumang entidad na nag-aalok ng serbisyo o nagsasagawa ng mga aktibidad na nagbibigay-daan para sa paglilipat o pagpapalit ng VA (mga Virtual Assets), kabilang dito ang pagsasagawa ng isa o higit pa sa mga sumusunod na kilos:
- Pagpapalit ng VAs at FIAT currencies;
- Pagpapalit ng isa o higit pang mga anyo ng VAs;
- Paglilipat ng VAs; at
- Pagpoprotekta at/o pangangasiwa ng VAs o mga instrumento na nakakapagkontrol sa mga VAs
Paano ako naapektuhan ng BSP Circular 1108?
Bilang isang registered VASP, kailangang mangolekta ang Coins.ph ng sumusunod na impormasyon para makapagproseso ng mga external cryptocurrency transfers na may halagang ₱50,000 o higit pa:
Pagpapadala ng mga cryptocurrencies sa mga external wallets |
|
Pagtatanggap ng mga cryptocurrencies mula sa mga external wallets |
|
Matatanggap din ba ng recipient ko ang lahat ng aking mga detalye/impormasyon?
Hindi, ang impormasyon na ibibigay para sa mga transaksyon na ito ay mananatiling kumpidensyal bilang pagsunod sa mga pamantayan ng data privacy.