Kapag nagkoconvert ng Peso upang maging cryptocurrency, maaaring mapansin ang pagkakaiba sa katumbas na halaga sa Peso na makikita sa inyong cryptocurrency balance. Ito ay dahil sa pagkakaiba ng presyo ng Buy at Sell.
Bilang halimbawa, nais mong bumili ng BTC gamit ang 100 PHP. Maaaring iclick ang Buy/Sell button sa Home page, at magtungo sa Buy tab.
Sa kasalukuyan, ang buy rate ng PHP pa-BTC ay 1 BTC ≈ 4,113,025.94 PHP.
Pagkatapos iclick ang Buy, ikaw ay agad na makakatanggap ng 0.0000243 BTC. Mapapansin rin ang 100 PHP na mababawas sa inyong Peso wallet.
Ngayon, pagkatingin ng inyong BTC balance ay makikita ang 0.0000243 BTC sa inyong wallet. Ngunit, makikita na ang katumbas na Peso amount sa ilalim nito ay 96.42 PHP lamang. Bakit hindi na ito 100 PHP?
Ito ay dahil ang katumbas na halaga sa Peso ay base na sa sell rate. Sa panahon ng aking pag-convert, ang buy rate ng 1 BTC ≈ 4,113,025.94 PHP, habang ang sell rate ay 1 BTC ≈ 3,968,225.51 PHP.
Aakyat pa kaya ang halaga ng aking BTC katumbas ng 100 PHP?
Dahil sa paiba-ibang presyo ng BTC, hindi masisiguro na ang inyong BTC balance ay papantay sa 100 PHP muli. Subalit, may posibilidad pa rin sa hinaharap na tumaas ang presyo ng BTC hanggang umabot ang sell rate sa 1 BTC ≈ 4,113,025.94 PHP (ang buy rate kung kailan bumili). Kapag ang sell rate ay tumaas pa lalo kumapara sa una kong buy rate, may posibilidad na tataas pa sa 100 PHP ang inyong balance.
Sa kabilang banda, may posibilidad din na ang presyo ng BTC ay bababa, kaya maaaring bumaba pa sa 96.42 PHP ang inyong pondo. Tandaan lamang na ang katumbas na halaga sa PHP ng iyong BTC ay maaaring magbago-bago pa hangga't hindi mo pa muli ito gagamitin sa pag-convert o pagbenta sa Sell rate na ayon sa iyong kagustuhan.
Disclaimer: Ang pagbili ng cryptocurrency ay may kaakibat na mataas na antas ng panganib at kawalang katiyakan na maaaring hindi angkop sa ibang tao. Ang presyo ng cryptocurrency ay maaaring magbago-bago sa kahit na anong oras. Siguraduhin na bumili lamang ayon sa halaga na kayang gastusin.