Kapag nag-convert ka ng Peso upang maging cryptocurrency, maaaring mapansin ang pagkakaiba sa katumbas na halaga sa Peso ng iyong cryptocurrency balance na makikita sa ilalim nito. Ito ay dahil sa natural na pagkakaiba ng presyo ng Buy(Bili) at Sell(Benta). Kadalasan ay mas mataas ang presyo ng Buy kumpara sa Sell.
Narito ang isang halimbawa. Gusto kong bumili ng BTC gamit ang aking 1000 PHP kaya pipindutin ko lamang ang Crypto button sa app at pipindutin sa susunod ang Convert.
Sa kasalukuyan, ang buy rate ng PHP to BTC ay 1 BTC - 2,646,969 PHP. Pagkatapos kong pindutin ang Slide to convert button, natanggap ko na ang 0.00037779 BTC sa aking BTC wallet. Napansin ko rin na 1000 PHP ang nabawasan sa aking Peso wallet.
Ngayon, kapag tinignan ko ang aking BTC balance ang 0.00037779 BTC ang laman ng aking wallet. Ngunit, ang katumbas na halaga sa Peso sa ilalim nito ay nagpapakita na lamang ng 958.78 PHP. Bakit hindi na ito 1000 PHP?
Ito ay dahil ang katumbas na halaga sa Peso ay base na sa sell rate. Sa panahon ng aking pag-convert ng 1000 PHP sa buy rate na 1 BTC - 2,646,969 PHP, ang katumbas na sell rate nito ay 1 BTC - 2,537,852 PHP.
Aakyat pa kaya ang halaga ng aking BTC upang bumalik sa 1000 PHP?
Dahil sa paiba-iba ng presyo ng BTC, hindi ko masisiguro nang 100% kung tataas pa ang halaga ng aking sa 1000 PHP muli. Subalit, may posibilidad pa rin sa hinaharap na tumaas ang presyo ng BTC hanggang umabot ang sell rate sa 1 BTC - 2,646,969 PHP (halaga ng una kong buy rate). Kapag ang sell rate ay tumaas pa lalo kumapara sa una kong buy rate, may posibilidad na tataas pa 1000 PHP ang halaga ng akong pondo.
Sa kabilang banda naman, may posibilidad din na ang presyo ng BTC ay bababa, kaya maaaring bumaba pa sa 958.78 PHP ang aking pondo. Tandaan lamang na ang katumbas na halaga sa PHP ng iyong BTC ay maaaring magbago-bago pa hangga't hindi mo pa muli ito gagamitin sa pag-convert o pagbenta sa Sell rate na ayon sa iyong kagustuhan.
Paunawa: Ang pagbili ng Bitcoin at iba pang cryptocurrency ay may kaakibat na mataas na antas ng panganib at kawalang katiyakan na maaaring hindi babagay sa ibang tao. Ang presyo ng cryptocurrency ay maaaring magbago-bago sa kahit na anong oras. Siguraduhin na bumili lamang ayon sa halaga na kayang gastusin.