Ang mga transaction na nakaka-apekto sa inyong cash in limit ay ang mga sumusunod:
- Pag cash in sa inyong Peso wallet,
- Pag tanggap ng payments sa inyong Peso wallet galing sa isa pang Coins.ph account
Ang mga transaction naman na nakaka-apekto ng inyong cash out limit ay ang mga sumusunod:
- Pag cash out ng inyong funds mula sa inyong wallet patungo sa bank account, remittance center, e-wallets, atbp.
- Pagpadala ng funds sa iba pang Coins.ph account
- Pagpadala ng funds sa external crypto wallet
Alalahanin na ang pagbili ng load, pagbayad ng bills, pagbili ng game credits, at pag-convert ng cryptocurrency ay hindi nakakaapekto sa inyong account limits.
Para makita ang inyong kasalukuyang limit at kung paano ito madadagdagan, pumunta lamang sa Identity Verification page sa app o website. Para naman sa karagdagang impormasyon tungkol sa cash in and cash out limits ng bawat level, maaaring basahin ang artikulong ito.
Kung may katanungan pa po kayo, maaari niyo po kaming kontakin sa Coins app o sa help@coins.ph.