Gamit ang inyong Coins.ph account makakapagbayad kayo ng higit sa 90 uri ng bills sa buong Pilipinas.
Kung ginagamit ang Coins.ph mobile application, sundin lamang ang mga hakbang na ito:
Step 1: Pindutin ang “Pay Bills” icon sa inyong app
Step 2: Piliin ang type ng bill at ang kompanya ng bill na gustong bayaran. Maaaring gamitin ang Coins.ph para bayaran ang utilities tulad ng kuryente at tubig, government services, broadband, telco, cable, o credit card.
Step 3: Ilagay ang halaga ng babayaran.
Step 4: Ilagay ang mga kailangang impormasyon at mag-slide to pay!
Kung gamit ang Coins.ph website, narito ang mga hakbang:
Step 1: Mag-login sa inyong Coins.ph account
Step 2: Sa itaas na bahagi ng inyong web, pindutin ang “Pay Bills” icon.
Step 3: Piliin ang type ng bill na gustong bayaran. Maaaring gamitin ang Coins.ph para bayaran ang utilities tulad ng kuryente at tubig, government services, broadband, telco, cable, o credit card.
Step 4: Piliin ang pangalan ng kompanya.
Step 5: Ilagay ang account details at halaga ng nais bayaran at pindutin ang “Pay Bill”.
At tapos na! Ang ilan sa mga bills na ito ay agarang maproproseso, ngunit ang iilan rito ay mapproseso sa loob pa ng 3 araw ng negosyo. Kung ang isang biller ay hindi agarang naproseso, makikita ang impormasyon na ito habang ginagawa ang transaksyon at makikita rin sa transaction receipt.