Ang impormasyon ukol sa biller sa ibaba ay hindi na bahagi ng mga serbisyo ng Coins.ph.
Kung may karagdagan updates, ibabahagi namin ito sa aming official Website at social channels!
Sa ngayon ay maaaring icheck ang mga available na biller sa Coins app: Anu anong mga bills ang maaaring bayaran gamit ang Coins.ph
Paalala: Ang impormasyon sa ibaba ay hindi na angkop sa kasalukuyan.
---------------------------------------------
Mas madaling magbayad ngayon ng mga Meralco bills gamit ang inyong Customer Account Number (CAN)! Basahin ang patnubay na ito para alamin nang higit pa:
Ano ang Meralco CAN?
Ang Meralco CAN ay tumutukoy sa inyong Customer Account Number. Ito ang 10-digit number na matatagpuan sa itaas na bahagi ng Meralco bill. Permanente ang number na ito kaya hindi kailangang mag-alala tungkol sa pag-expire nito!
Paano magbayad ng aking Meralco bill gamit ang CAN?
Bago magbayad, mangyaring tandaan na mababayaran ang mga current, extended, at overdue payments. Gayunman, hindi namin maipoproseso ang inyong payment kung nakatanggap na kayo ng disconnection notice.
Narito ang mga hakbang para bayaran ang inyong Meralco bill:
1. Matapos piliin ang Meralco sa ilalim ng Bills section ng app, ilagay ang Total Amount Due o Total Current Amount tulad ng makikita sa inyong Meralco bill tapos pindutin ang Next.
2. Ilagay ang inyong 10-digit customer account number (CAN). Ilagay ang halaga na inilagay sa unang hakbang.
Paalala: Hindi na magagamit ang 26-digit Meralco Reference Number (MRN) para magbayad.
3. Kumpirmahin kung tama ang lahat ng mga detalye, tapos mag-slide to pay!
At iyon na po! Mapo-post dapat ang payment sa loob ng 3 business days pagkatapos makumpleto ang iyong transaksyon.
Mga Madalas na Itinatanong:
1. Maaari ko pa rin bang mabayaran ang Meralco bill gamit ang Meralco Reference Number (MRN)?
Hindi na maaaring gamitin ang MRN sa pagbayad ng Meralco bill
2. Maaari ko bang mabayaran ang Installment Payment Arrangement (IPA) gamit ang CAN?
Pwedeng pwede mong mabayaran ang iyong IPA gamit ang CAN! Makikita nila ang CAN sa kanilang Statement of Account
Kung may mga iba pang concern tungkol sa inyong transaksyon, magpadala lang po ng mensahebsa amin.