Kung nagpaplanong mangolekta ng bayad mula sa inyong mga customer - sa subscription o tuwinang pagbabayad, maaari kaming makatulong gamit ang aming low-cost at easy-to-setup solution, sa pagdadag sa inyong business bilang biller.
Kailangang kumpletuhin ang business verification para sa inyong account. Pagkatapos, kinakailangan lamang maibigay sa amin ang mga impormasyon na kailangang punan ng inyong mga customer.
Ang inyong negosyo ay makikita sa aming Pay Bills section din. Maaari magbigay ng mga validation fields at impormasyon na nais niyong makolekta mula sa inyong mga customer. Ang lahat ng koleksyon ay agarang masesettle sa inyong Coins.ph business account.
Maaari ring magdownload ng inyong transaction history nang naka- excel format, direkta mula sa inyong account. Maaari ring magrequest sa amin ng report para sa inyong reconciliation at accounting purposes.
Punan lamang ang Coins Support Form para magsimula!