Ang Two-Factor Authentication, na tinatawag ding "2FA" o "TFA," ay isang pag-iingat sa seguridad na nagbibigay ng dagdag na layer ng proteksyon sa inyong mga account.
Gamit ang 2FA, kakailanganin ninyong dumaan sa dalawang hakbang upang ma-verify ang inyong identity. Una, mag-login gamit ang inyong username at password. Pagkatapos, bago ka bigyan agad ng access sa inyong account, hihilingin sa iyo na ilagay ang isang code na makikita sa inyong Google Authenticator o Authy app.
Ang 2FA codes ay natatangi at nagre-refresh kada isang minuto, kaya mahirap ito magaya ng kung sinoman. Dahil malabo ang pagkakataon ng isa pang tao na magkaroon ng access sa inyong log in credentials, magiging mas protektado ang inyong mga Coins.ph account!
Sa madaling salita, kapag pinagana mo ang 2FA, Makikilala agad ng aming site kung ikaw talaga ang nag-log in sa inyong account, at maiiwasan ang anumang unauthorized access.
Upang malaman kung paano i-activate ang 2FA sa inyong account, basahin ang aming step-by-step guide.