Kung ang inyong sagot ay "Oo" sa alinman sa mga tanong sa ibaba, kakailanganin mong makipag-ugnayan sa amin para ma-reset ang 2-Factor Authentication (tinatawag na "2FA" o "TFA") sa inyong Coins.ph account.
- Nawalan ka ba ng access sa inyong mobile phone?
- Na-reset ba ang inyong mobile phone, pati narin ang inyong Authy/Google Authenticator?
- Hindi mo ba sinasadyang tanggalin ang inyong coins.ph account sa inyong Authy/Google Authenticator app?
Maaari niyo kami i-message gamit ang Coins app o Coins Support Form para mareset namin ang inyong 2-Factor Authentication.
Para sa seguridad ng inyong Coins.ph account, maaaring kailanganin ang additional verification steps. Depende sa inyong kasalukuyang verification level, ang aming Compliance Team ay magtatanong ng partikular na requirements bago ireset ang inyong access sa 2FA.
Sinisigurado namin na tutulungan ka ng aming team na ma-access muli ang inyong Coins.ph account!