Ang feature na ito ay hindi na bahagi ng mga serbisyo ng Coins.ph.
Kung may karagdagan updates, ibabahagi namin ito sa aming official Website at social channels!
Sa ngayon ay maaari kayong gumamit ng regular na Buy Load para sa mga PH mobile number.
Basahin kung Paano Bumili ng Load
Paalala: Ang impormasyon sa ibaba ay hindi na angkop sa kasalukuyan.
---------------------------------------------
Maaaring bumili instantly ng Steam Wallet codes, MOL Points and Garena Shells gamit ang Coins.ph.
Sundin lamang ang mga sumusunod:
Kung gamit niyo ang Android mobile app, maaaring sundin ang mga hakbang na ito:
1. Pindutin ang "All", at hanapin ang Game Credits.
2. Piliin ang game credit option na nais nilang bilhin.
3. Piliin ang halaga na nais bilhin, tapos pindutin ang "NEXT".
4. Ilagay ang mobile number kung saan nais matanggap ang game credits code, tapos piliin ang wallet na gagamitin para bumili ng game credit. Pagkatapos nito, i-slide ang arrow para magbayad.
5. Matatatanggap nila ang claiming code / PIN para ma-redeem ang biniling Game Credit.
Kung gamit niyo ang iOS mobile app, maaaring sundin ang mga hakbang na ito:
1. Sa homepage ng inyong account, piliin ang "Game Credits".
2. Piliin ang game credits na gusto nilang bilhin.
3. Pumili ng amount na nais bilhin.
4. Ilagay ang mobile number kung saan nais matanggap ang game credits, at pindutin ang "Next".
5. Piliin kung anong wallet ang gagamitin para magbayad, at i-slide to pay.
6. Matatanggap na nila ang claiming code / PIN para ma-redeem ang game credits.
Gamit ang Coins.ph website? Huwag mag-alala! Para makabili ng game credits gamit ang web browser, gawin lamang ang mga sumusunod:
1. Pumunta sa Cash Out at hanapin ang Game Credits.
2. Piliin ang halaga na nais bilhin.
3. Ilagay ang mobile number kung saan nais matanggap ang game credits, at pindutin ang "Next".
Siguraduhin na ang inilagay na mobile number ay nasa ganitong pormat: 09xxxxxxxxx.
Happy gaming!