Sa Coins website, maaari na kayong mag-whitelist ng withdrawal addresses. Sa pamamagitan nito, ang withdrawal transactions sa website papunta sa whitelisted addresses ay di na prompted para sa verification codes.
Pakitandaan na kakailanganin ninyo ng registered email address, mobile number at enabled 2FA sa inyong account upang maaccess ang Enable Whitelist function.
Para maactivate ang feature, maaaring sundan ang sumusunod na steps:
1. Maglog in sa Coins website.
2. Iclick ang Account icon on the lower left corner ng inyong screen, at piliin ang Account Settings.
3. Pagdating sa Account Settings page, magtungo sa Security section at iclick ang Manage katabi ng Address Whitelist line item.
4. Pindutin ang toggle button katabi ng Enable Whitelist para maactivate ang function.
Pagkaenable, maaari lamang kayong magtransfer ng funds sa Coins website sa wallet addresses na kasama sa inyong whitelist. Mangyaring sundan muli ang steps sa itaas kung merong additional addresses kung saan magwiwithdraw.
Maaari kaming icontact us sa aming Chatbot o webform kung kailangan ng karagdagang assistance.