Pagkabayad ng inyong payment request, maaaring magtungo sa inyong transaction history page upang makita ang inyong reference number. Maaari itong gamitin upang macheck ang status ng inyong bayad.
Sa Coins app
Magpunta sa inyong Portfolio page, at iclick ang inyong PHP wallet.
Pagkaclick ay maaari nang makita ang transaction history ng nasabing wallet. Pindutin ang Invoice Payment transaction upang makita ang detalye ng inyong transaction.
Ang Invoice ID ng inyong Payment Request ngayon ay available na para sa validation ng inyong bayad. Iclick ang Copy button sa gilid upang makuha ang inyong invoice id. Click the Copy button to copy the invoice id.
Sa Coins website
Iclick ang Portfolio tab sa kaliwang panig ng Coins website.
Pindutin ang PHP wallet upang macheck ang inyong peso transactions. Pagtapos ay iclick ang Invoice Payment upang macheck ang detalye ng inyong transaction.
Kung mayroon kayong anumang concern, huwag mahiyang magpadala ng mensahe sa Coins gamit ang ating Chatbot widget o Coins Support Form upang kayo ay mabigyan ng karagdagang tulong.