Ang impormasyon ukol sa biller sa ibaba ay hindi na bahagi ng mga serbisyo ng Coins.ph.
Kung may karagdagan updates, ibabahagi namin ito sa aming official Website at social channels!
Sa ngayon ay maaaring icheck ang mga available na biller sa Coins app: Anu anong mga bills ang maaaring bayaran gamit ang Coins.ph
Paalala: Ang impormasyon sa ibaba ay hindi na angkop sa kasalukuyan.
---------------------------------------------
Madali nang mapopondohan ang inyong First Metro Securities account gamit ang Coins.ph wallet--hindi kailangan ng bank account o credit card!
Ang First Metro Securities ay isang stock brokerage house na may lisensyang mangalakal sa Philippine Stock Exchange. Ang kanilang online trading platform ay isang convenient way para ma-access ang mga nakalistang securities sa stock market.
Ito ang paraan sa 5 hakbang:
Step 1: Mag-cash In
Maglagay ng pera sa inyong Coins.ph wallet sa pamamagitan ng 7-Eleven, Western Union, Palawan Pawnshop, M Lhuillier, o GCash para makatanggap ng pera agad-agad pagaktapos ng pagbayad. (Basahin: Saan ako makakapag-cash in?)
Step 2: I-tap ang Pay Bills
Step 3 Magscroll down papunta sa First Metro Securities sa ilalim ng Stocks and Securities section
Step 4: Ilagay ang halaga na ililipat ninyo sa inyong First Metro Securities account. Ang minimum amount na maaaring ilipat ay Php500.
Paalala: May ₱15 partner fee kada transaksyon
Step 5: Ilagay ang inyong mga detalye at i-tap ang Next
**Mahahanap ang inyong Account Code sa kanang itaas na banda ng main page ng inyong FirstMetroSec account (katabi ng username). Maaaring tumagal nang 5 hanggang 7 business days ang reversal ng credit sa maling account code. I-contact ang customerservice@firstmetrosec.com.ph para sa tulong.
Step 6: I-review ang inyong transaksyon at i-Slide to Confirm!
1. Kailangan ko ba ng First Metro Securities account para magbayad gamit ang Coins.ph Wallet?
- Opo, kailangan ninyo ng First Metro Securities account muna. Siguraduhin na may account muna kayo bago gumawa ng transaksyon sa outlet na ito.
2. Paano gumawa ng First Metro Securities account?
- Maaaring bisitahin ang kanilang pahina para makagawa ng First Metro Securities account.
3. May bayad ba kapag pinondohan ko ang aking First Metro Securities sa Coins.ph?
- Opo, mayroong 15 PHP fee bawat transaksyon kapag pinondohan ninyo ang inyong account gamit ang Coins.ph Wallet.
4. Paano kung nagkamali ako sa pag-type ng aking First Metro Securities Account Code?
- Maaari kayong makipag-ugnayan sa customerservice@firstmetrosec.com.ph sa ma-verify nila ang inyong payment.