Madali niyo nang mapopondohan ang inyong MyTrade account gamit lang ang inyong Coins.ph wallet kahit nasaan ka man! Hindi mo na rin kakailanganin ng bank account o credit card, diretso na itong papasok sa inyong MyTrade account.
Ang MyTrade ay ang online trading platform ng Abacus Securities, isang stock brokerage firm na may lisensyang mangalakal sa Philippine Stock Exchange. Isang convenient na paraan ang MyTrade para ma-access ang mga nakalistang securities sa stock market.
Ganito ang paraan:
Step 1: Buksan ang inyong Coins.ph Wallet at i-tap ang Pay Bills.
Step 2: I-scroll down sa Stocks and Securities section at piliin ang MyTrade.
Step 3: Ilagay ang halaga na ililipat ninyo sa inyong MyTrade account at i-click ang Next.
Step 4: Ilagay ang inyong MyTrade details at i-tap ang Next.
Step 5: I-review ang inyong transaksyon at i-Slide to Confirm!
*Siguraduhin na magpadala ng proof of payment kay MyTrade upang maproseso ito.
**Ang proof of payment na ipapadala sa kanilang team bago mag 4 PM ay mapoproseso ng o bago mag-9 AM. Kapag ito ay ipinadala makalipas ang 4 PM, matatanggap ang payment sa pangalawang business day.
***Maaaring tumagal nang 3 business days ang reversal ng credit sa incorrect account code. I-contact ang funds@mytrade.com.ph para sa tulong.
1. Kailangan ko ba ng MyTrade account para magbayad sa Coins.ph Wallet?
Opo, kailangan ninyo ng MyTrade account. Siguraduhin na mayroong MyTrade account muna bago gumawa ng transaksyon sa opsyong ito.
2. Paano gumawa ng MyTrade account?
Mangyaring bisitahin ang kanilang pahina para gumawa ng MyTrade account.
3. May fees ba kapag pinondohan ko ang aking MyTrade account sa Coins.ph?
Wala. Libreng ang serbisyong ito.
4. Paano kung nagkamali ako sa pag-type ng aking MyTrade Account Code?
Maaari ninyong i-contact ang funds@mytrade.com.ph para ma-verify nila ang inyong payment.